Chiz Escudero pinupulitika ng mga magulang ni Heart Evangelista?

    279
    0
    SHARE

    Marami ang na-shock sa mga ibinulgar ng mga magulang ni Heart Evangelista laban kay Sen. Chiz Escudero last Tuesday na diumano ay lasenggo ang senador at walang pagrespeto sa kanila.

    “When he (Sen. Chiz) visited our house the very first time, he was drunk. He smelled of alcohol,” sabi ng nanay ni Heart na si Cecille Ongpauco sa 24 Oras last Tuesday.

    Ayon naman sa father ni Heart na si Rey Ongpauco, “Ang tao, ’pag bastos ang magulang, eh, lalo na ’yung anak ko balang araw, kawawa naman ’yun, baka kung ano ang mangyari du’n. Hindi ako nagagandahan sa ugali niya (Sen. Chiz).”

    Sa nasabing panayam, umapela ang magulang ni Heart kay Sen. Chiz to leave their daughter alone.

    “I am now appealing to Mr. Escudero to leave our daughter alone for a cooling-off period,” say ni Mrs. Ongpauco.
    Ayon pa sa report ng 24 Oras, hindi maayos ang trato ng senador kay Heart. Sinisigawan daw nito ang aktres at minamanipula para bumaligtad sa magulang.

    Ayon pa sa magulang ni Heart, wala silang pakialam sa pulitika at ipaglalaban daw nila ang kanilang anak.

    May panayam din ang 24 Oras kay Heart at inamin  ng aktres na tutol ang parents niya sa relasyon nila ng senador.

    Pero aniya, hindi ito ang unang pagkakataon na nagkaroon sila ng problema ng mga magulang dahil sa kanyang boyfriend.

    “It happened to me long time ago with Jericho (Rosales, her ex-boyfriend), and at that time, I was very young kaya nagparaya ako. I thought that it would make my parents happy.

    “I understand that, you know, they want the best for me and they’re very protective,” say ni Heart.

    Ayon pa sa aktres, sa edad niyang 28 ay may karapatan na siyang mag-decide for herself kung sino ang lalaking gusto niyang mahalin.

    Sinabi rin niyang nahihiya siya kay Chiz at sa pamilya nito sa mga naglalabasang ito.

    “Wala naman silang ipinakitang masama sa akin, napakabait nila tapos nagkaroon pa ng mga ganitong kasinungalingan na paninira, ganyan,” she said.

    Sa panayam naman kay Sen. Chiz, sinabi niyang ayaw niyang makihalo sa problema ni Heart sa pamilya nito.
    “Hindi ako showbiz, hiwalay ang pulitika at personal kong buhay. Ayaw kong manghimasok sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng anak at ng kanyang mga magulang,” pahayag ni Sen. Chiz.

    May mensahe rin si Heart para sa kanyang mga magulang.

    “Nahanap ko na ’yung taong para sa akin, huwag na nilang ilayo ang taong mahal ko. Masaya na ako and everybody deserves to be happy,” she said.

    Meanwhile, senatorial candidate Sen. Francis “Chiz “ Escudero appealed to his colleagues in politics and to the people to leave his showbiz girlfriend Heart Evangelista alone.

    “Sana ay hindi ito panghimasukan ng iba upang sa gayon ay manatili ang puwang na mag-kaunawaan  sila,” sabi niya.

    “Sapat na siguro na sabihin ko muna ngayon na, bagaman, ako ay medyo nadadamay, hangga’t maari, ayaw kong manghimasok sa hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng isang anak at kanyang mga magulang.”

    Escudero appealed for understanding, stressing he is not part of the showbiz industry and that he wants to separate his personal life from his work as public servant.

    “Hindi po ako showbiz. Hinihiwalay ko po at ‘di ko pinaghahalo ang trabaho ko sa personal kong buhay at lalong hindi ko po pinapayagan na manghimasok ang personal kong buhay sa aking trabaho.”

    Meanwhile, he assured Heart that his love and support for her will remain strong.

    “Maayos at matatag ang samahan at ugnayan namin ni Heart at itinuturing ko lamang ito bilang isang hamon at pagsubok sa relasyon namin kung saan buo ang pag-asa ko na ito ay malalampasan namin,” Escudero said.

    But did you know, sa simula pa lang daw, against na ang nanay ni Heart sa senador. Sa mga off the record na interview sinasabi nito ang disgusto ng parents sa boyfriend nitong si Senator Chiz Escudero. Parang nabalewala tuloy ang pagiging daan ni Senator Miriam Defensor-Santiago upang magkakilala ang dalawa.

    Natatandaan namin ang pag-ayaw ng mother ni Heart, si Cecille Ongpauco, kay Sen. Chiz nu’ng mag-renew ng contract ang aktres sa GMA.

    Narinig namin na hindi niya gusto ang senador pero pina-off the record niya ito sa isang kaibigang editor.

    Eh, nu’ng pirmahan na ’yon, nilalaglag ni Heart ang ina pagdating sa mga desisyon niya. Hinayaan lang ng ina ang pahayag ng anak dahil at the back of her mind, alam niyang siya ang masusunod sa career nito.

    Ngayong nagsabi na ng loob ang parents ni Heart kay Chiz at sinabihang layuan ang anak, naawa tuloy kami sa aktres. At 28, wala pa ring laya ang aktres pagdating sa taong mamahalin.

    Siyempre, dinipensahan ng mga kaibigan ng senador ang akusasyon ng mag-asawa.

    Dinaan na lang daw sana sa usapan ang problema. Hindi ’yung sa national TV pa inilabas ng mag-asawa ang hinaing sa senador. Eh, nataon pa namang election period ngayon kaya may duda ang karamihan sa motibo ng mag-asawa.

    Kung sa nangyaring ito, lumabas muli ang pagiging rebeldeng anak ni Heart, hindi namin siya masisisi kung maging bato uli ang puso niya dahil hindi lang ngayon nangyari ang ganitong problema sa magulang niya.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here