IBA, Zambales (PIA) — May 500 mangingisda sa Zambales ang tumanggap ng mga kagamitan mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).
Kabilang sa mga ipinagkaloob ang gill net, tuna handlines, bottom set long line, bangus fry collection materials, solar salt beds, fish vending equipment, smoke house package at mga payao.
Ayon kay BFAR Regional Director Wilfredo Cruz, layunin nito na mapataas ang antas ng kabuhayan ng mga Zambaleรฑong mangingisda gayundin ang produksyon ng yamang-tubig hindi lamang sa lalawigan kundi sa Gitnang Luzon.
Ang mga ipinamahagi ay may kabuuang halaga na P4.7 milyon.
Samantala, kinilala rin ng BFAR ang tagumpay ng bayan ng Botolan sa pagsungkit ng ikatlong pwesto sa isinagawang 2022 Regional Search for Malinis at Masaganang Karagatan (MMK).
Bilang premyo, tinanggap ng lokal na pamahalaan ang P500,000 halaga ng interbensyon sa kabuhayan.
Layunin ng MMK na kilalanin ang mga inisyatibo at kontribusyon ng mga baybaying lungsod at bayan sa sustainable fisheries management. (MJSC/RGP-PIA 3)