Bangkay ng Koreano natagpuan

    281
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales–Isang naagnas na katawan ng hinihinalang Korean national ang natagpuan ng mga kabataan naglalakad sa madamong lugar sa Club Morocco, Barangay Cawag, sa bayang ito kamakalawa ng hapon.

    Kinilala ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic PNP, batay sa nakuhang Bureau of Immigration Alien Certificate of Registration ang biktimang si Min Kyoungseo, 59, ng South Korea at may residential address sa Lot 4 and 5 Rizal St., Plaridel 1, Malabanias, Angeles City.

    Ayon sa ulat naglalakad ang grupo ng ilang kabataan sa lugar ng makaamoy sila ng di kanais-nais at nang kanila itong imbistigahan ay bangkay ng isang tao ang kanilang nakita kung kaya kaagad itong ipinagbigay alam sa mga kagawad ng Barangay Cawag na siya namang tumawag ng pulis.

    Batay sa pagsisisyasat ng scene of the crime operatives, ang biktima ay may tatlo hanggang apat na linggo nang namatay bago ito nakita.

    Isinailalim naman sa autopsy ang bangkay ng biktima para matukoy kung may naganap na “foul play”.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here