3 huli sa pot session

    328
    0
    SHARE
    OLONGAPO CITY–Dinakip ng mga tauhan ng Police Station 3 ng Olongapo City PNP ang tatlong katao na nagpo- pot session sa isinagawang drug operation sa Barangay Pag-Asa sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Rodelio Patriarca, 43, residente ng No. 71 Perimeter St., Barangay Pag-Asa; Jayson Loui Sandoval, 28, at Maeanne Claudio, 27, pawang mga residente ng Purok 2, Sandoval St., Barangay Cabalan, Olongapo City.

    Nakuha sa pag-iingat ng mga suspek ang may limang transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at ibat-ibang drug paraphernalia.

    Ang mga suspek ay detinido sa Police Station 3 at ipinagharap na sa kasong paglabag sa Section 11 at12, Article ll ng RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here