Banggaan ng tricycle, 1 patay, 2 sugatan

    214
    0
    SHARE

    MASINLOC, Zambales – Dead on arrival sa Candelaria District Hospital ang walong buwang buntis na ginang, samantalang sugatan ang asawa at anak nito sa naganap na banggaan ng tricycle sa National Highway, Barangay Inhobol sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

    Kinilala ng pulisya ang nasawing si Rochelle Cabalic, 28-anyos at walong buwang buntis. Sugatan naman sina Efren Jr, at Ashley Luciles, 5-anyos pawang mga resident ng Barangay Mambog, Botolan, Zambales.

    Sa imbestigasyon ng pulisya ganap na alas-9 ng gabi nang maganap ang aksidente habang ang mga biktima ay sakay ng tricycle patungo sa Barangay Sta. Rita, Masinloc nang banggain ito ng tricycle na minamaneho ng suspek na si  Edwin Edaño, 42-anyos at residente  ng Purok 4, Barangay Inhobol, Masinloc, Zambales.

    Dahil sa lakas ng pagkakabangga tumaob ang sinasakyang tricycle ng mga biktima.

    Kaagad namang sumuko sa pulisya ang suspek ilang minuto matapos maganap ang aksidente sa takot na mabugbog ng taumbayan sa lugar na pinangyarihan ng aksidente.

    Ang suspek ay nasa custody na ng Masinloc PNP at ipinagharap na ng kasong Reckless Imprudence Resulting in Homicide and Serious Physical Injuries and Damage to Property.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here