Home Headlines BAGYONG OMPONG Buntis, 2 pa patay sa Ecija

BAGYONG OMPONG
Buntis, 2 pa patay sa Ecija

586
0
SHARE

CABANATUAN CITY – Tatlo katao, kabilang ang isang buntis, ang namatay sa magkakaibang insidente na dulot ng bagyong Ompong sa iba’t ibang lugar sa Nueva Ecija.

Sa ulat ng Nueva Ecija Police Provincial Office, nakilala ang dalawa sa mga nasawi na sina Catherine Garcia, 23, apat na buwang buntis, at residente ng Barangay Calaocan, San Jose City; at Romulo Rojero, 33, mangingisda ng Barangsy Caridad Norte, bayan ng Llanera.

Ang ikatlong biktima na hindi pa nakikilala na nalunod umano habang tumatawid sa ilog ng Barangay Labi, Bongabon, bandang alas-9 ng umaga nitong Sabado.

Sa imbestigasyon, nasa loob ng kanyang tahanan ang babae nang mabagsakan ng naputol na sanga ng punong mangga ang bubong ng kanilang bahay.

Naisugod pa ang biktima sa ospital ngunit binawian ng buhay habang ginagamot sa Paulino J. Garcia Memorial Research and Medical Center sa lungsod na ito, ayon sa pulisya.

Samantala, si Rojero ay nangingisda sa Talavera-Digdig River kasama ng tatlong iba pa nang tangayin ng agos bandang alas-11:30 ng tanghali nitong Linggo. Narekober ang bangkay ng biktima matapos ang isang oras.

Wala pa namang pahayag ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council kaugnay ng mga pangyayaring ito.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here