Home Headlines Bading arestado ng NBI Nang-blackmail ng G-11 student

Bading arestado ng NBI
Nang-blackmail ng G-11 student

702
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Arestado ang isang bading matapos na kikilan nang kikilan at i-blackmail ang isang Grade 11 student na nakilala nito sa social media.

Bumagsak sa entrapment operation nitong Miyerkules sa Barangay Tikay ang 35-taong gulang na suspek na kinilalang si Leovi Reyes, residente ng Paombong, Bulacan matapos ireklamo ng 16-anyos na itinago sa pangalang “Isagani”.

Nakilala daw ng biktima sa social media ang suspek na gumamit ng litrato ng magandang babae.

Ayon kay Isagani, 12 anyos siya noon at nasa Grade 8 nang makilala sa social media si Reyes gamit ang pekeng profi le picture.

Sa inakalang totoo ang sexy at magandang babaeng nasa larawan ay pumayag siya na magbigay din ng maseselang litrato at malaunan ay lumantad na ang suspek na isa palang LGBT.

Dito ay nag-demand ang suspek na makipagtalik sa kaniya ang biktima at nang tanggihan ay doon na siya sinimulang takutin at hingan ng pera at kung hindi ay ipo-post nito sa social media ang mga hubad na larawan ng menor de edad.

At sa loob ng apat na taon ay nagbibigay ang biktima sa suspek ng halagang mula P4,000 hanggang P10,000 kada buwan bukod pa sa mga RTW’s.

Hanggang nitong araw ng Linggo ay nagsumbong na ang biktima sa kanyang mga magulang at hindi na nito nakayanan ang kalbaryo dahil humihingi na ang suspek ng halagang P50,000 at mga RTW’s.

Agad na nagsumbong sa tanggapan ng NBI sa Bulacan ang pamilya ni Isagani at ikinasa ang entrapment operation laban kay Reyes na agad na nadakip.

Nakuha mula dito ang P5,000 marked money at imported rubber shoes.

Tumanggi naman ang suspect na ibigay ang kanyang panig tungkol sa reklamo, na nasa kustodiya ngayon ng NBI at nahaharap sa kasong Robbery Extortion in Relation to Child Abuse.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here