Babaeng kaangkas sa motor patay

    158
    0
    SHARE

    BALANGA CITY- Patay ang isang babaing kaangkas sa motorsiklo nang diumano’y masagi at masagasaan ito ng nag-overtake na delivery trak ng gulay at prutas sa kahabaan ng Gapan-Olongapo Road sa Barangay Saguing, Dinalupihan, Bataan Miyerkules ng umaga.

    Sugatan naman sa paa at tuhod ang rider ng motorsiklo na si Cristina Timpog, 34, matandang kapatid ng namatay na si Shierwina Abrasado, 28. Nagtamo rin ng sugat sa noo, kilay at tuhod si Juri Stephen Abrasado, dalawang taon at anim na buwang anak ni Shierwina.

    Ayon kay Timpog, kaangkas niya ang mag-ina galling palengke ng Dinalupihan at pauwi na sila sa Barangay Bacong, Hermosa, Bataan nang mangyari ang aksidente bandang alas-9:45 ng umaga.

    “Marahan lamang ang takbo ko sa shoulder ng kalsada nang mag-overtake ang trak sa linya namin at masagi nito ang kapatid ko,” sabi ni Timpog.

    Bumagsak umano silang tatlo sa motorsiklo at nasagasaan sa ulo ang kapatid niya ng hulihang gulong ng trak na may markang “Santa Fruits & Vegetables Dealer”. 

    Isinugod ang tatlo sa Bataan Peninsula Hospital sa Dinalupihan ngunit idineklarang dead on arrival si Shierwina.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here