Angelica Panganiban pinagbawalang sagutin ang akusasyon ni Claudine Baretto

    209
    0
    SHARE
    Tumahimik lang si Angelica Panganiban sa isyung sinisiraan niya nang matindi si Claudine Baretto. Ito yung isyung di umano, si Angelica ang namamalitang may karelasyon si Claudine. In short ipinamamalita ni Angelica na isang babaing pakabit ang dyowa ni Raymart Santiago.

    Sa  halip, mismong head ng Star Magic na tumatayong manager ni Angelica ang nagsasalita para ipagtanggol ang alaga.

    Ikinukunsidera bilang isa sa pinakamalaking artista ngayon sa bakuran ng Star Magic at ABS-CBN si Angelica. Si Mr. M din at ang Star Magic ang kinikilalang humubog at nagpatanyag kay Claudine, na nasa bakuran na ng GMA-7 ngayon.

    Sa unang pahayag, ito ang maikli ngunit makahulugang sabi niya: “Go Ahead! Sue, Claudine. Make our Day!

    Lumabas naman ang pangalawang statement ni Mr. M kung saan direkta niyang ipinagtanggol si Angelica kaugnay ng mga naglalabasang akusasyon laban dito: “She is feisty, irreverent, sometimes crude, but never a liar.”

    Saad pa ng star builder, “Whoever is behind the web of lies and falsehoods being spun in print, Twitter, and other media must be a very disturbed individual. I only hope this nonsense stops before it destroys the perpetrator.”

    Nagsalita na rin ang nakatatandang kapatid ni Claudine na si Gretchen Barretto, na nadadawit sa isyu. Itinanggi ng aktres na may kinalaman siya sa “gusot” ng dalawa.

    Pero hanggang ngayon ay wala pa ring naririnig na pahayag mula kay Angelica ay sinabi ni Mr. M na ang tanging dahilan kung bakit hindi lumalabas si Angelica upang ipagtanggol ang kanyang sarili laban sa mga akusasyon ni Claudine ay: “what she has to say would be so compelling and devastating to Claudine’s career.”

    Ayon kay Mr. M, ito ang dahilan kung bakit pinili ni Angelica ang “path of silence.”

    Dagdag pa niya, “Angelica still has compassion for Claudine.

    Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang alitan sa pagitan nina Claudine Barretto at Angelica Panganiban. Mas tumindi nga ang away ng dalawa.  

    Bilang update sa naturang kontrobersiya, isang official statement na ipinadala ng legal counsel ni Angelica, si Atty. Joji Alonso, at ng Star Magic. Ayon dito, inabisuhan nila si Angelica na manahimik sa isyu.

    Pagtatanggol ng Star Magic, hindi si Angelica ang naninira kundi siya pa raw ang biktima sa mga maling akusasyon. Dagdag pa ng Star Magic, hindi na dapat pang pag-usapan ang isyung ito. Anumang sabihin laban kay Angelica ay magiging basehan lang daw ng pagsasampa ng mga kaso.

    Narito ang kabuuan ng official statement na ito: “Angelica has been advised to maintain her silence. There is no need for her to say anything, more so in reaction to what has been said, she has not done anything wrong, much less, maligned Claudine. On the contrary, it is Angelica who is being maligned by these unfounded accusations.

    “Neither is there a need to dignify this incident by saying something more than what has already been said. It is hoped that with this statement, this issue comes to an end. Whatever more is said against Angelica shall be a cause for the filing of the appropriate civil and criminal cases.”


     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here