ANG kasalukuyang mga nangyayaring
pagpuna ng U.S. sa ating sariling
batas panglipunan ay isang matinding
panghihimasok sa soberanya natin.
Gaya ng atin nang mga nakaraang
naging pahayag ay di dapat makialam
itong Amerika sa ating pambansang
panuntunang batas na pina-iiral.
‘In what capacity its senators had sent
A marching order to our justice department
To release De Lima from she’s now detained
As one of those who are threats to our government?
Sila ba ay ating pinakikialaman
sa anumang bagay na ginagawa n’yan?
So, ang tayo ay panghihimasukan,
malinaw na sila’y walang karapatan!
Pagkat tayo bilang malayang Estado,
na may kasarinlan, batas at gobyerno,
wala ni sinumang lipi ni Pilato
itong sa atin ay puedeng kumastigo.
Tapos na ang kanilang pang-aalipin
at tayo sa ngayon ay katulad na rin
nilang anak ng Diyos na mayrung sariling
mga pagpapasiya na talagang atin.
Kaya, para tayo’y kanilang idikta
sa kung anong dapat gawin ay sobra na
at wala na rin sa patulo kumbaga
ang nais mangyari sa hindi kanila.
Na ipag-utos n’yan ang pagpapalaya
kay Leila De Lima na pasimuno nga
nitong bulto-bultong patagong pag-gawa
umano ng shabu sa d’yan sa Muntinlupa.
Sa madaling sabi anong mayrun sila
para manghimasok sa ating sistema
at mga sarili din namang pagrenda
na naa-ayon sa ating republika.
Kung saan nang dahil sa puntong nasabi
napagdiskitaan tuloy riyan pati
ni Trump at ng ating pangulong Duterte
ang ibang bagay na di dapat kasali.
At naging mitsa r’yan ng pagka-kansela
rin ng ‘validity’ nitong U.S. Visa
ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa,
ang pag-tanggi nating mapagbigyan sila.
Na humantong nga sa pati ang ‘Visiting
Forces Agreement’ na ilang taon na rin
namang ‘in full effect’ damay sa nangyaring
masasabi nating ‘grave misunderstanding’.
Ang pataasan ng pagsirit ng ihi
ng dalawang lider di dapat mag-hari,
kundi marapat na maging mapanuri
upang di humantong sa matinding mali.
Dahilan na rin sa ang anumang bagay
di nakukuha sa pagiging maingay,
kundi sa pangungusap na malumanay
para mapabuti’t di mawalang saysay!