Home Opinion Diskarte sa presyo ng gasolina ng mga ganid na kapitalista

Diskarte sa presyo ng gasolina ng mga ganid na kapitalista

909
0
SHARE

1.
Araw-araw tumataas ang presyo ng gasolina
simula ng atakihin ang Iran ng Amerika
wala pang krisis sa langis nagsimula ng bumira
ang ilang gasolinahang mga mapagsamantala
mga stockpilers naman itatago pa muna
ang petrolyo na nabili nila sa murang halaga
2.
At kapagka lumala na ang krisis hinggil sa langis
dahil na rin maigting na digmaan sa middle east
asahan na nating lahat ang malawakang na pagsirit
sa presyo ng petrolyo sa pamilihang pandaigdig
kapag ganyan ang nangyari ang tatamaan ng labis
ay ang mga mamayan o mga consuming public
3.
Ngayon pa lang ay ramdam na nitong mga mamamayan
ang epekto ng digmaan doon sa Gitnang Silangan
hindi lamang halaga ng petrolyo ang tatamaan
kundi pati ang presyo ng bilihin sa pamilihan
ito’y di simpling problemang maaring maranasan
na magsisilbing dagok sa tao at pamahalaan
4.
Dahil batid ng gobyerno ang epekto nitong giyera
at ang maaring idulot sa ating ekonomiya
ang ibayong pagtitipid ay pinaghahandaan na
ng rehimeng Marcos jr. ang parating na problema
ang mungkahing 4 day work week sa mga ilang ahensiya
ng ating pamahalaan ay ipinapatupad na
5.
Ang kanilang layunin ay ang ibayong pagtitipid
sa kuryente at petrolyong araw-araw ginagamit
ngunit tila napaaga ang pagtama nitong krisis
dahil na rin sa iilang mga negosyanteng ganid
simula ng pumutok ang kaguluhan sa middle east
ay oil price hike na kaagad ang kanilang iniisip
6.
Ang presyo ng gasolina at produktong pang-petrolyo
ay tataas ng tataas habang patuloy ang gulo
hindi lang ang Pilipinas ang labis na apektado
maging ang ibang bansa sa apat na sulok ng mundo
ang Depatment of Energy ngayon ay bantay sarado
sa mga gasolinahang labis ang pang aabuso
7.
May mga gas station na limitado kung magbenta
ng produkto nilang langis, krudo at ng gasolina
mayroong mangilan-ngilan na ngayon ay nakasara
hinihintay na ang presyo ng petrolyo’y tumaas pa
ang kanilang mga stock ay itetengga pa muna
yan ang diskarte ng mga ganid na kapitalista

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here