Aljur Abrenica balik-GMA 7

    327
    0
    SHARE
    Mukhang naayos na ang problema ni Aljur Abrenica sa GMA Network at sa GMA Artist Center dahil ibinalita ni Kris Bernal sa Instagram (IG) na balik-network na ang aktor.

    Nagkita sila ni Aljur sa GMA Network at nagkumustahan at sa nakita naming pictures nila, mahigpit ang yakapan at panay ang halik sa kanya ni Aljur.

    Post ni Kris: “A special someone surprised me at my taping today. I hadn’t seen him for nearly a year! We have barely texted each other! I’m just sooo happy to see him in GMA grounds today! He made my day!

    “Walang nagbago…except that he’s sexier and a whole lot better! I miss everything about him. Higpit na yakap at walang katapusang chika. He’s sooo back!

    Excited to work with him again…I wish it’s soon.”

    Nakiusap si Kris na ’wag nang mag-nega sa pagbabalik ni Aljur sa GMA Network.

    “Let’s just all be happy for him. I dedicate this photo to all SOLID ALKRISIANS na matagal naghintay, umasa at sumuporta. Aljur Abrenica, we’re all tuned in for your comeback,” dagdag ni Kris.

    Ang sabi, lalabas si Aljur sa Sunday All Stars sa Sunday at may mga susunod pa siyang lalabasang shows habang wala pang soap.

    Ibig kayang sabihin nito, drop na ang kasong isinampa niya sa GMAAC?

    Hindi pa nagsasalita si Aljur tungkol dito at hindi pa nga nag-post ng picture nila ni Kris at ni Mark Herras.

    May picture rin si Aljur with Mark na masaya rin sa kanyang pagbabalik, kaya lang, ngayong bumalik na si Aljur sa GMA Network, ibalik din kaya siya sa Cain at Abel?

    Sila ni Alden Richards ang original cast ng movie, pero pinalitan siya ni Mark nang magsampa siya ng kaso sa GMAAC.

    Ano ’yun, aalisin si Mark at ibabalik si Aljur? Problema ito ni Direk Adolf Alix, Jr., at ng GMA Films at kanilang co-producer.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here