CLTV 36 Star Mill’s concert tagumpay

    4008
    0
    SHARE
    Naging matagumpay ang ginanap na concert ng mga talent ng Star Mill: Central Luzon TV noong February 19 na ginanap sa Bren Z. Guiao Convention Center.

    Tampok sa Star Mill: the Concert ang Star Mill Season 2 Grand Champion at Heartthrob ng Pampanga na si JD Simon at ang mga runner-up na sina Barbie Manalo, Louie Anne Culala at Lemuel Lansangan. Namangha rin ang mga Ka-Rehiyon sa pagtatanghal ng ibang finalist na sina Rica David, Dale Sese, Renzo Nicolau at Paul John Carlos, kasama ang mga Star Mill Season 1 finalists na sina Eliza Arnaiz, Andy Pangan, Awit Garcia at Jeneal Mariano. May special guests pa tulad ng boy band na Men2Be at ang Body Shocks Dancers.

    Dalawang breses ginanap amng show. Alas dos ng hapon at pangalawa naman ay alas siyete ng gabi. In both shows, talaga namang nagpakitang-gilas ang mga peformers.

    Tinilian ng mga kababaihan ang my giling moves ng mga guwapong sina JD Simon at Lemuel Lansangsan. Puwede bang isalang sa mainstream ang dalawang ito na posibleng kumabog sa marami nating hunk singers sa ngayon.

    Personal kung nagustuhan ang suot na Little Mermaid costume ni Rica David na puwede na ring maging kaliga ng mga Tween stars ni Kuya Germs sa Walang Tulugan.

    Pero siyempre, walang hindi hahanga sa mga performances ng mga divas na sina Barbie Manalo, Eliza Arnaiz, Louie Ann Culala at Jeneal Mariano.

    Breath of fresh air naman ang peg ni Awit Garcia everytime she comes up onstage. We would like to commend the organizers of this concert particularly Ms. Sonia Soto ang Billy San Juanl Mabuhay po kayo!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here