Tanod huli sa shabu

    470
    0
    SHARE

    SUBIC, Zambales – Kalaboso ang sinapit ng isang barangay tanod makaraan itong mahuling nagbebenta ng shabu sa isinagawang drug operation ng Subic PNP sa Barangay Calapacuan sa bayang ito.

    Kinilala ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic Police, ang suspek na si Ronald Lamasin, alyas Peter, 32, residente ng Purok 3-A, Manangan St., Barangay Calapacuan.

    Ang suspek ay huli matapos na magbenta ng isang plastic sachet ng shabu sa isang police poseur buyer sa halagang P500. Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang ibatibang drug paraphernalia, marked money at limang transparent plastic sachet ng shabu.

    Ayon sa ulat ang suspek ay isa sa mga tauhan umano ni Rey Flores, ang tinaguriang No. 1 drug pusher sa Zambales na nauna nng nasakote ng pulisya noong nakaraang linggo sa isinagawang drug operation sa Barangay Mangan-Vaca sa bayan ding ito.

    Ang suspek ay nasa custody ng Subic PNP at ipinagharap na sa kasong paglabag sa Section 5 at 11, Article ll ng
    RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here