Home Opinion PAO’s Acosta: “No vax, no ride policy, unconstitutional”

PAO’s Acosta: “No vax, no ride policy, unconstitutional”

693
0
SHARE

ALIN ang higit na makapangyarihan
ang nasasaad sa batas o atas lang
ng pangulo, gaya ng ipinagbawal
niyang di makalabas ang kahit sinuman
na di bakunado – ‘contrary to law’ yan,
per RA 11525, kabayan.

At ‘abuse of power and authority’ rin
ng ‘chief executive’ ang tayo’y piliting
magpaturok nitong iba’t-ibang klasing
bakuna, kung sadyang sa palagay natin
di makabubuti sa ating sariling
katawan ang hindi pa ‘well tested vaccine’.

Higit pa nga ba r’yan itong polisya
na ipinalabas kaura-urada
ni Duterte, kaysa hayan at batas na
ang di ‘mandatory’ sa kahit sino pa
itong tayo nga po ay pilitin nila
na magpa-bakuna ang ayaw talaga?

Gaya ko – alam kong puedeng makatigok
sa akin ang ako’y piliting paturok
ng alin pa mang bakunang galing ‘abroad,’
ikulong n’yo na ako kaysa makatulog
akong ni ang kagat ng gutom na lamok
di na madama r’yan kung ako’y matigok?

Kasi nga ay pihong adios Pilipinas
na ang kahantungan ng sawi kong palad
kapag sa utos ni Digong nagpaunlak
nga r’yan at tuluyang isuko ang lahat
ng kinakailangang ipaglaban dapat,
kontra sa pilit na ipinapatupad.

Ginagarantya ba ng pamahalaan
na ligtas nga tayo sa kapahamakan
sakali’t tayo ay mapapayag nilang
magpa ’vaccine’ dahil napilitan lamang?
Ang taong bayan ba’y walang karapatang
tutulan ang ganyang maling kautusan?

Lalo’t tunay namang ‘unconstitutional’
itong para lamang n’yan tayo payagang
lumabas para makapag-hanap buhay,
di natin magawa sa pina-iiral
na ‘no vax’ at ‘no ride’ na ‘policy’ riyan
ni sir na labag sa wastong kalakaran.

Isa pa yang si Sec Menardo Guevarra
ng DOJ – naturingang ‘lawyer’ siya,
di alam ang dapat ay katigan niya
si PAO chief sapagkat legal ang sa kanya;
At itong si Drilon, na dapat aniya
sibakin si P.A., (ang unahin sila).

Sapagkat sila ang di alam ang tama
na nasasaad sa’ting batas pambansa!
At sila ang dapat ay unang magkusa
na magbitiw pagkat sa kamay n’yan yata
ang Saligang Batas ay nasasalaula?
Kaya nga’t sila riyan ang dapat mawala!

Posible rin kasing kahit ‘lawyer’ sila
salat ang dunong n’yan sa batas noon pa,
kaya nga’t marahil ang mali sa iba
ang siyang wasto’t gustong ipairal nila?
Mahiya naman sana kayong nasa kuwadra
ng taga-balangkas ng ‘ley de justicia’!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here