Home Headlines Bed capacity sa Bulacan Covid hospital halos 50% na 

Bed capacity sa Bulacan Covid hospital halos 50% na 

855
0
SHARE

Halos nasa 50 porsiyento na ng bed capacity ng BICC ang okupado dahil sa Covid-19. Kuha ni Rommel Ramos


 

LUNGSOD NG MALOLOS — Umakyat na sa 50 porsyento ang bed capacity ng Bulacan Infection Control Center (BICC) na okupado dahil sa mga kaso ng Covid-19.

Ngayong araw ay 33 na ang okupado mula sa 70 kama ng nasabing Covid-19 hospital sa Bulacan.

Sa nakalap na datos ng Punto, 26 na mga moderate cases na pasyente ang nasa ward at pitong severe cases ang nasa ICU.

Samantala, noong December 25 ay bumaba sa dalawa lamang na moderate cases ng Covid-19 ang nilalapatan ng lunas sa BICC.

Ngunit nagsimulang pumalo paakyat ang bilang ng mga dinadalang pasyente sa BICC dahil sa coronavirus matapos ang selebrasyon ng Bagong Taon.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here