Home Headlines Covid-19 sa Bulacan: 21 na ang namatay, confirmed cases pumalo sa 74

Covid-19 sa Bulacan: 21 na ang namatay, confirmed cases pumalo sa 74

1323
0
SHARE

LUNGSOD NG MALOLOS — Umakyat na sa 21 ang bilang ng mga namatay sa Bulacan dahil sa coronavirus disease, habang 74 naman na ang naitatalang confirmed cases.

Ayon sa pinakahuling ulat ng Bulacan Provincial Health Office, anim ang naidagdag sa listahan ng mga namatay at ang mga ito ay: isang 69-anyos na babae mula sa Norzagaray; isang 67-anyos na babae sa Bocaue; isang 69-anyos na lalake mula sa Obando;isang 65-anyos na babae mula sa Sta. Maria; isang 72-anyos na babae at isang 50-anyos na lalake na kapwa mula sa Meycauyan.

Habang lima pa ang naidagdag sa listahan naman ng mga kumpirmado sa sakit na isang 24-anyos na babae mula sa Norzagaray; isang 65-anyos na lalake mula sa Sta. Maria; isang 69-anyos na lalake mula sa Norzagaray; isang 16-anyos na babae at isa pang 67-anyos na babae na kapwa mula sa Bocaue.

Ayon pa rin sa ulat, 49 ang naitala pa na probable cases at 299 suspect cases.

Samantala, nananatiling tatlo ang recovered cases dito na sina Patient 21 mula San Jose Del Monte, Patient 413 mula bayan ng Bulakan, at si Baliwag Mayor Ferdie Estrella na nananatili pa ring mga naka-home quarantine

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here