Home Opinion ‘Prayers can move mountains’

‘Prayers can move mountains’

989
0
SHARE

NASAAN na itong mayabang na pastor
na may kakayahan umanong ang lindol
ay patigilin sa pagyanig, pag-galaw,
bakit di gawin sa COVID-19 ngayon?

Itong aniya kapag sinabi niyang “STOP,” walang pasubaling hihinto at sukat
ang lindol gaano man yata kalakas,
ayon sa sarili niyang mga pahayag.

Kaso, kayabangan lang at di totoo
ang sinasalita ng pastor na ito,
na palipad hangin lamang ng damuho
(kundi man tuwirang ito’y panloloko!?)

Dale, kung totoong siya’y di bulahang (pastor), lumantad  siya at kanyang tulungang
mabigyang solusyon ng pamahalaan
ang hinggil dito sa ‘virus’ na naturan.

At di gaya nitong puro siya salita,
na wala naman ding buting nagagawa
para sa lahat na ang mga pahayag nga
na siya’y pinagpala ng Diyos na Dakila?

Huwag ipagkamali ni senyor Apollo
na tayo ay galit sa kanyang estilo,
kundi ang atin ay pagpuna lang mismo
sa pagiging sobrang kahambugan nito.

Kung tunay na siya’y may kapangyarihang
idikta ang lindol at iba pang bagay,
na ipatigil ang pamiminsala n’yan,
ano’t sa nasabing ‘virus’ di gawin n’yan?    

Nang sa gayon itong halos buong mundo
na nahawaan na ng sakit na ito,
di na dumami kung sa isang kumpas nito
ang COVID – 19 ay mapalis ng husto.

‘Yan ay kung totoong siya’y hinirang nga bilang ‘appointed son’ ng ating Dakila
at makapangyarihang Diyos, na lumikha
sa Tao, pati na sa Langit at Lupa!

Di sa hinahamon natin si Quiboloy,
na sobra ang galing kung bolahin itong tagasunod niya, kundi bagkus tayo’y mayrung ninanais patunayan ngayon;

Na kung talagang siya ay may kakayahang
gaya ng madalas ipangalandakan,
na umano nga ang lindol kaya niyang
utusang tumigil kapag yamanig yan.

Bilang patotoo, gawin sa panahon
nang pananalasa ng ‘virus’ na itong
sa buong mundo ay umabot ng bilyong
tao na ang naging biktima n’yan ngayon;

Na kapagka ito ay di naagapan
at di nakatuklas ng akmang gamot d’yan,
bukas, pati na r’yan ang nag-aagawan
sa kapangyarihan, pawang mapaparam;

At tanging pagtawag sa Panginoong Diyos ang posibleng sa ‘tin magliligtas lubos
sa pamamagitan ng ating mataos,
na Dalanging sana huwag ipahintulot!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here