Debut ni Bea Binene sinipot ni Alden Richards

    506
    0
    SHARE
    Tinupad ni Alden Richards ang pangako na makasayaw ni Bea Binene sa debut nito na ginanap sa Maynila Ballroom ng Manila Hotel last Tuesday, November 3, na salubong na rin sa tunay niyang birthday ng November 4.

    Hindi nag-expect si Bea na makararating ang kaibigan na may shooting ng araw na iyon ng “My Bebe Love” nila ni Maine Mendoza para sa coming Metro Manila Film Festival sa December.

    Si Kristoffer Martin na ang naging first dance niya na dapat ay siyang last dance niya para masimulan na ang 18 candles at 18 roses, pero wala pa ring confirmation na darating ang Pambansang Bae. Kaya ang gulat ni Bea nang tinawag ang name ni Alden para maging last dance niya.

    “Hindi ka na talaga maabot,” wika raw ni Bea nang lumapit na si Alden at inabutan siya ng isang red rose at sumayaw sila. Hindi nga raw nakapigil maging emosyonal si Bea sa pagdating ni Alden na una niyang nakasama five years ago pa sa “Tween Hearts” at sa movie nilang “Tween Academy.

    Nakita raw niyang hindi pa rin nagbabago ang kaibigan sa kabila ng mga tagumpay na tinatamasa nito ngayon.

    Nagkaroon tuloy ng reunion ang cast noon ng “Tween Hearts” with Bea and Alden, sina Barbie Forteza, Joyce Ching, Kristoffer, Derrick Monasterio, Kyrstal Reyes, Joshua Dionisio, Ken Chan at Louise delos Reyes.

    Dumating din ang ex-boyfriend ni Bea na si Jake Vargas na hindi masyadong nakisalamuha sa mga kasama. Natuwa naman ang mga tweens nang dumating si Joshua na matagal na nilang na-miss.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here