Paolo Contis di na babalikan ni Lian Paz

    519
    0
    SHARE

    KOMPORTABLE nang humarap sa press at sa mga cameras ngayon si Lian Paz.

    “First regular soap ko ang Prinsesa Ng Buhay Ko ito kaya nanibago ako noong una, but with the help of the cast na puro mababait sa akin, along with Direk Dondon Santos na very supportive, mas at home na ako ngayon sa pagiging artista,” she says.

    Paano na ang pagsasayaw? “I still dance kapag may promo tours kami ng cast sa mall shows, so hindi pa rin nawawala ang pagsasayaw sa akin. But as of now, nasa acting na ang concentration ko. Tinutulungan ako ni Gorgy Rula para humanap ng assignments. Kailangang magtrabaho, e.”

    Why? Is Paulo not supporting their two daughter? “Meron naman po siyang pinapadala, pero hindi madalas.”

    So it’s not regular? “Hindi po. Naghihintay lang ako. Basta kung meron, salamat. Kung wala naman, iniintindi ko na lang. Kasi ngayon lang din siya uli nagkaroon ng bagong soap.”

    Does she entertain thoughts of them reconciling someday? “Ay hindi na po. Masyado nang maraming nangyari.

    Okay na ‘yung magkaibigan kami for the sake of our children. Nagpapasalamat na lang ako talaga na binigyan ako ng chance ng GMA na makapagtrabaho sa kanila dito sa ‘Prinsesa ng Buhay Ko’ kaya pinagbubutihan ko talaga ang acting ko rito.”

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here