Sharon Cuneta show may rating na

    339
    0
    SHARE

    MASAYA sina Sharon Cuneta at Ogie Alcasid dahil unti-unting nagiging habit ng televiewers na panoorin ang musical show nila sa TV5 na napapanood 9 p.m., every Sunday.

    Bukod sa nagti-trending ang show, positive rin ang feedback after each episode at sabi ni Ogie, ang kulang na lang, paano mata-translate sa rating ang feedback at pagiging trending topic ng show.

    “We’re happy na dumadami ang commercial load ng show, nasa fi rst step pa rin kami, andun kami na we’re creating awareness, very encouraging ang reaction, kaya nakakatuwa,” wika ni Ogie.

    Successful ang episode na tribute kay Rey Valera, may tribute rin sila kay Gloria Estefan at Beatles. Kung papayag si Sharon, gusto ni Ogie na mag-costume at gayahin ang singer na featured nila para mas masaya. Payag si Sharon sa idea na ito ni Ogie, kaya hintayin nating gawin nila.

    Dream guest ni Sharon sa The Mega and The Songwriter sina Regine Velasquez, Eric Santos, Jed Madela, Basil Valdez at Rico Puno.

    “I love Regine at gusto ko rin ’yung mga dating nakakasama ko sa kabila. I want Rico naman to sing his biggest hits and not just be funny,” sabi ni Sharon.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here