Nora Aunor first choice bilang Edita Burgos

    328
    0
    SHARE

    Ang Superstar na si Nora Aunor pala dapat ang gaganap sa maindie film na Burgos ni Direk Joel Lamangan na life story ni Edita Burgos at tumatalakay tungkol sa pagkawala ng kanyang aktibistang anak na si Jonas Burgos.

    Pero hindi na raw kinaya ng produksyon na hintayin pa nila ang schedule ni Ate Guy lalo pa nga’t may kailangan din silang i-meet na deadline para umabot ito sa Cinemalaya Film Festival.

    Instead, si Lorna Tolentino ang ipinalit kay Ate Guy at best choice naman talaga ang aktres dahil napakahusay ng pagkakaganap niya bilang Edita. After watching the film sa ginanap na press screening, we must say, kawalan ni Ate Guy ang hindi pagkakatuloy sa movie.

    Ang Burgos ay produced ng Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista at ipapalabas sa August 03 sa CCP Main theatre sa ganap na ika-9 ng gabi bilang closing film sa 2013 Cinemalaya Independent Film Festival.

    May tentative playdate rin ito ng regular commercial run sa darating na August 28 although magkakaroon muli ng whole day screenings at gala premiere sa August 26 bilang fund raising sa Free Jonas Burgos Movement at Karapatan office.

    Bukod kay LT, kasama rin si pelikula si Tirso Cruz III na gumaganap bilang asawa ni Edita, na batikang publisher ng Malaya noong rehimeng Marcos. Ang mga gumanap na kanilang mga anak ay sina Allen Dizon (Sonny), Dimples Romana (Peachy), Bangs Garcia (Ann), Kerbie Zamora (JL) at Rocco Nacino (Jonas). Si Ina Feleo ang gumanap na Me Ann, asawa ni Jonas.

    Last April 28 ay ika-anim na taon nang nawawala si Jonas at hanggang ngayon ay hindi pa nakikita. Naglabas na ng desisyon ang Court of Appeals hinggil sa pagkakasangkot ng militar sa nasabing “forced disappearance” ni Jonas.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here