Naniniwala na kami sa sinabi ni Mommy Eva Carino-Padilla na simula raw nang tanggapin ni Robin Padilla ang kapatid na si BB Gandanghari ay nag-iba ang hitsura nito.
Napanood namin ang interview ng Showbiz Inside Report kay BB aired last Saturday at ibang-iba nga nga ang aura niya ngayon.
Kung dati, kapag nakikita namin siya ay parang aburido kahit nakangiti at medyo haggard, ngayon ay kitang-kita sa mga ngiti at tawa niya na nanggagaling talaga ang happiness niya from his soul. As in iba talaga and you can feel it.
Sa naturang panayam ay ikinuwento niya ang senaryo nang magkabati sila ni Robin nang dalawin siya sa hospital at ang saya-saya niya habang nagkukuwento.
“Pagpasok niya, eh, ’di niyakap niya ako. Kasama niya si Ali (anak ni Robin). Ang nakakatawa nu’n, sabi niya kay Ali, ‘o, you kiss…’ hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Eh, before that, puro Kuya Rustom (ang tawag ni Robin sa kanya). Talagang pinipilit niya. Ayaw niyang i-acknowledge si BB,” say ni BB.
Tinanong daw ni Robin ang doktor kung saan kaya nakuha ni BB ang UTI (urinary tract infection) at ang sagot daw naman ng huli, sa babae raw nangyayari ito.
“Sabi talaga ni Robin, “ano pa nga ba masasabi ko, eh, pati sakit ng babae na-imbibe mo na,” natatawang kuwento ni BB.
“Tapos, sabi ko sa kanya, ‘o, ’yan na ang confirmation ha?’ patuloy pa ni BB.
Ayon pa sa nakatatandang kapatid ni Binoe, ngayon ay alam na raw niya ang ibig sabihin ng surreal.
“Dati, lagi kong sinasabi, ano kaya ang ibig sabihin ng surreal? Eto pala ’yun. ’Yung parang hindi ka makapaniwala kung totoo o hindi. Parang biro, joke. To this day, when we text, parang medyo naiilang ako kasi hindi ko alam kung totoo ba.
“Anyway, I’m very, very happy kasi more than anything else, ’yung acceptance, eh.”
Ang importante din daw ngayon ay bumalik na ’yung dati at inamin din niyang matagal na raw niya talagang ipinagdadasal ito.