DALAWANG taon ding hindi naging visible sa telebisyon ang singer na si Ronnie Liang. Pero sa loob ng panahong iyon, kabi-kabila ang shows niya here and abroad.
Nagbabalik-eksena si Ronnie sa ilalim ng bagong management team, ang Viva Artists Agency ni Veronique del Rosario, at bagong recording studio, ang Viva Records, kung saan kinu-produce niya ang 2nd album na Ronnie Liang: May Minamahal.
Nagbabalik-eksena si Ronnie sa ilalim ng bagong management team, ang Viva Artists Agency ni Veronique del Rosario, at bagong recording studio, ang Viva Records, kung saan kinu-produce niya ang 2nd album na Ronnie Liang: May Minamahal.
Ang 12-track CD na may bonus cuts na minus ones, ay naglalaman ng remakes ng OPM hits gaya ng Akala Mo (carrier track), May Minamahal (title track), Beginning Today (orihinal ni Agot Isidro) at Kaputol ng Isang Awit at isang Christmas song, ang O Holy Night.
Kuwento ni Ronnie, November pa na-release ang May Minamahal at ilang linggo ring daw itong namayagpag sa charts ng ilang record bars tulad ng Odyssey.
Bukod sa bagong CD, naghahanda rin si Ronnie para sa kanyang launching movie.
Ngayong buwan daw ito magsisimulang i-shoot, pero ayaw pang magbigay ng iba pang detalye ang singer dahil ang pakiusap daw ng producer, gawing surprise.
Pati title at kung sinong director, bawal sabihin.
Ang sey lang ng singer, kailangan niyang mag-workout dahil mukhang mapapalaban siya sa matinding hubaran.
Gaano ka-daring ba ang kaya niyang gawin sa pelikula?
“As far as the script would require,” matapang na sagot ni Ronnie.
Sa ngayon, todo raw ang pasasalamat niya sa Viva sa pagkakataong makabalik sa eksena.
Thankful din daw siya sa producers ng launching pic niya, dahil matapos um-appear sa maliliit na roles sa Ako Legal Wife, Mano Po 4, Your Song at Betty La Fea, heto at siya na ang lead sa sarili niyang pelikula.
Malaki rin ang tinatanaw niyang utang na loob sa ABS-CBN dahil doon siya mas nakilala, sa Pinoy Dream Academy, at sa una niyang record label, ang Universal Records, na nagbigay sa kanya ng una niyang hit song, Ngiti.
Magiging busy man sa showbiz career, sinisiguro ni Ronnie na magkakaroon pa rin siya ng time bisitahin ang girlfriend of three years na based sa New York.
Tumanggi siyang banggitin ang name ng non-showbiz girl, pero sabi niya, nasa medical field ito.
“Most of the time, ako ang pumupunta sa kanya,” banggit pa ng singer, na mukhang in love na in love nga sa girlfriend.