Mga matronang lengua estofada

    435
    0
    SHARE

    Marami sila sa showbiz, pero dalawa lang muna ang idedetalye namin tungkol sa mga matronang kumakabit sa tomboy.

    Pero teka, did you hear about a former beauty queen of the early 60s na ngayon ay mahigit nang seventy years old, ay isang tomboy? Yes, naging kabit niya ang isang aged actress na isa siyas a mga tumulong para makabangon ang noon ay nalugmok nang aktres dahil sa drug addcition.

    De kalibre na ang aktres ngayon na maraming award kahit matanda na siya, Yes, sa edad niya, kabit pa siya ng gurang na tomboy hanggang sa ngayon.

    But this is not our story. Ito ay tungkol sa dalawang matronang kumabit pa sa tomboy sa kabila ng kanilang edad.

    Si kabit number one ay isang starlet for all seasons. Nagkapangalan siya pero laging supporting ang role niya.

    Sabi, nakapag-asawa siya ng mayaman pero ang tanong ay kung bakit kumakabit pa rin siya sa mga DOM at mga tomboy. Aktibo pa rin siya sa showbiz and still looks very lovely. O ayan, may clue na.

    The second tomboy is a kabit of a politician na tomboy na galing sa isang political dynasty sa Luzon.

    Noong kanyang kapanahunan, class A model siya, nakapag-asawa rin ng mayaman pero kumabit sa tomboy at balita namin hanggang ngayon, kahit open na yung relasyon niya sa isang aktor na dating dyowa ng isang mala-pagong na aktresa, ay kabit pa rin ng tomboy. In fact, naka-base na siya sa probinsiya ng tomboy sa ngayon.

    Kilala n’yo siya?
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here