CIDG agent patay sa riding-in-tandem

    339
    0
    SHARE

    LUNGSOD NG MALOLOS — Patay ang isang CIDG agent matapos itong pagbabarilin ng anim na hindi pa nakilalang  kalalakihan Martes ng madaling araw sa Ople Road, Baranggay Caingin ditto.

    Dead-on-the-spot ang biktima na nakilalang si Joey Lim, 37, residente ng nasabing lugar at ahente ng CIDG sa  Bulacan. Ayon sa ulat, galing sa tanggapan ng CIDG Bulacan ang biktima at pauwi na sa kanilang tahanan nang habulin ng  anim na kalalakihan na  lulan ng tatlong motorsiklo.

    Pinaulanan ng mga ito ng bala ang  biktima kayat hindi na nakaganti pa ngputok na nagresulta sa kagyat nitong kamatayan. Agad na tumakas ang mga suspek matapos masiguro na patay na ang biktima.

    Naarekober sa crime scene ang 43 basyo ng bala mula sa .45, .22 at FN 101 machine pistol.Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa pagpatay sa biktima.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here