Home Headlines Healthy Workplace Program inilunsad, Puso Center Employees’ Clinic binuksan  

Healthy Workplace Program inilunsad, Puso Center Employees’ Clinic binuksan  

588
0
SHARE

LUNGSOD NG ANGELES – Magkaugnay na kaganapan tungo sa pagsusulong ng kalusugan ng mga kawani sa pamahalaang lungsod ang pinangunahan ni Mayor Carmelo “Jon” Lazatin II nitong Lunes, Abril 13.

Ang Healthy Workplace Program, na pinamunuan ng Department of Health, ay naglalayong bigyang-halaga ang kabuuang kalusugan ng mga empleyado sa lugar ng trabaho, kabilang na ang wastong nutrisyon at pisikal na aktibidad, kalusugan ng kapaligiran, mental health, immunization, pag-iwas sa substance use, sexual at reproductive health, tuberculosis prevention, at pangkalahatang kaligtasan.

“Kung Happy ang Workplace, Happy ang Angeleños,” anang angkop na pamansag na sumasalamin sa layunin ng programa ng isang malusog at ligtas na workplace na magdudulot ng higit na maayos na paglilingkod sa mamamayan.

Pormal na binuksan naman sa ikalawang palapag ng city hall. ang Puso Center Employees’ Clinic na magbibigay ng serbisyong medikal at konsultasyon mula sa mga espesyalista para sa mga empleyado ng lungsod.

Kasunod nito ay binuksan ang iba’t ibang health booths sa harap ng city hall na nag-alok ng libreng serbisyo tulad ng random blood sugar testing; HIV, syphilis at hepatitis screening; blood pressure monitoring; blood typing; deworming; at family planning services. Kasama ang mga miyembro ng sangguniang panlungsod, mga department heads, mga kinatawan mula sa DOH, at iba pang empleyado, personal ding nakilahok si Mayor Lazatin sa mga serbisyong ito sa pamamagitan ng pagpapasuri ng kanyang blood sugar at pagpapakuha ng blood type bilang pagpapakita ng suporta sa programa. Angeles CIO

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here