1.
Sa patuloy na pagtaas ng gasolina at diesel
ang labis na apektado ay ang mga pobreng tsuper ng mga pampasadang jeep pati na rin ng tricycle dahil hanggang sa ngayon ay wala pang adjustment of fare apektado na rin pati mga operator at owner ng pribado at ng mga public utilize vehicle
2.
Buong sektor ng lipunan ang labis na nagdurusa sa mabilis na pag-angat ng presyo ng gasolina malaki ang epekto sa usaping pang-industriya ganoon din sa produktong galing sa agrikultura ngayon pa lang ay ramdam na ang epekto nitong giyera na mas lalo pang lalala kapag ito’y tumagal pa
3.
Ano ba ang magagawa ng Department of Energy? upang mabigyang solusyon oil price hike na tumitindi lalo na’t puro pribado itong mga oil company at tanging Petron lamang ang nag-iisang refinery price monitoring lamang ang magagawa ng DOE o ang tinatawag din na oversight capability
4
Sila’y di pwedeng magdikta upang babaan ang presyo nang dahil sa umiiral na oil deregulation law ang nangyari ay nawala na sa kontrol ng gobyerno ang pagtatakda ng presyo’t importasyon ng petrolyo mayrong mga nagsusulong na maamyendahan ito ng ilang mambabatas at mga grupong tutol dito
5.
Taong1998 pa nang ito ay pagtibayin noong si Fidel Ramos ang pangulo ng bansa natin
dahil sa krisis sa langis ay nabuksan ang usapin sa oil deregulation law na balak na rebisahin kung mayrong mga probisyong nararapat na baguhin lubhang napapanahon na at kailangang madaliin
6.
Ang oil deregulation law ng administrasyong Ramos sa’ting bansa diumano’y walang buting naidulot dahil tila ang nasabing batas na yan ang nagbunsod kaya ang presyo ng langis ay lalong pumaimbulog ang sangay ng gobyerno na dapat sana ay masunod upang magtakda ng presyo dahil dito’y nakagapos
7.
Excise tax na ipinataw sa produkto ng petrolyo
dapat daw pansamantalang kanselahin ng gobyerno yan ang naging panukala ng ilan sa pulitiko na nais na talakayin sa kongreso at senado sa ganitong paraan ay medyo bababa ang presyo ng LPG, gasolina, ng kerosene at ng krudo
Kung di agad matatapos kaguluhan sa Middle East patuloy tayong daranas ng napakatinding krisis



