6 huli sa droga

    206
    0
    SHARE
    SUBIC, Zambales –Nahulog sa bitag ng mga tauhan ng Subic PNP ang anim na katao sa isinagawang drug operation sa Purok 6-A, Barangay Calapacuan, sa bayang ito.

    Kinilala ni Chief Inspector Oriano Mina, hepe ng Subic police, ang suspek na si Renz Kristoffer Yambao alyas Saddam, 24, na naunang nahuli matapos na magbebenta ng isang plastic sachet ng shabu sa halagang P300 sa isang police poseur buyer.

    Huli naman sa katabing bahay ni Saddam na nagpo-pot session sina Edgar Gomez, 38; Rogelio Roque, 34; at Jorge Idelfonso, 33, pawang mga taga Subic; at sina Reggie del Pila, 36, at Ryan Villamor, 30, pawang mga taga Castillejos, Zambales.

    Nakuha sa pag-iingat ni Gomez ang isang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P1,000 at iba’t-ibang drug paraphernalia. Narekober din sa pag-iingat ng mga suspek ang isa pang plastic sachet ng shabu na nagkakahalaga ng P500.

    Ang mga suspek ay detinido na Subic PNP detention cell at ipinagharap na sa kasong paglabag sa RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here