4 ‘pushers’ sunod-sunod nasakote

    339
    0
    SHARE

    JAEN, Nueva Ecija – Apat na hinihinalang big time na tulak ng ipinagbabawal na gamot ang bumagsak sa kamay ng    batas sa magkakasunod na operasyon sa unang linggo nitong Disyembre.

    Iniulat nitong Huwebes ni  Senior Supt. Crizaldo Nieves, direktor ng Nueva Ecija police  rovincial office (NEPPO), ang pagkaaresto kina Mildred   Esquivel,32, residente ng Barangay Dampulan at Rommel  Faustino,36, ng Barangay Putlod, ng bayang ito; Danilo Verdillo, at Anabelle Mulleno, ng Santa Rosa, Nueva Ecija.

    Si Esquivel ang itinuturing  umano bilang  “shabu queen” at nakatala bilang No. 1 sa  Most Wanted list ng bayang ito samantalang si Verdillo naman ang   umano’y isa sa mga pinakamalaking tulak ng droga  a bayan ng Santa Rosa.

    Ayon kay Nieves, ang pagkaaresto  sa mga suspek ay bunga ng walang humpay na  operasyon ng NEPPO laban sa anumang uri ng kriminalidad, partikular  sa mga grupo na sangkot sa sindikato ng ipinagbabawal na gamot.

    “Mas marami pang drugs personality  ang inaasahan nating mahuhuli sa mga darating na araw,” ani Nieves. Sa ulat ni Chief Insp. Alexander Aurelio, nasakote sina Esquivel at Faustino sa isang entrapment operation sa Sitio Putol, Barangay Niyugan, Jaen noong  Sabado ng madaling araw.

    Narekober mula sa kanila ang anim na sachet ng hinihinalang  shabu, isang .45 pistola, mga gamit sa pagbebenta at paggamit ng shabu at mga markadong pera na ginamit sa buy-bust ng mga otoridad. Nasakote naman sina Verdillo  at Mulleno sa Sitio Pasong Kalabaw, San Mariano, Santa Rosa. 

    Si Verdillo ay No. 3 sa  target list ng drug personalities sa naturang bayan.  Nabawi mula sa kanila ang 19 na sachet ng shabu, dalawang bala ng shotgun at mga  gamit sa shabu.

    Pawang nakaditine ngayon sa pasilidad ng PNP ang mga suspek habang nahaharap sa mga kasong paglabag sa  Republic  Act 9165 at illegal possession of firearms and ammunition. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here