4 pushers kulong

    380
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY-Nahulog sa bitag ng mga tauhan ng City Anti-Illegal Drug Special Operation Team ang apat na drug pushers sa isinagawang drug operation sa Barangay Barretto sa lungsod na ito.

    Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Michael del Rosario,38, Maricel Pamulaklakin, 28, Arvin del Rosario, 22, at Damian Cababuas, 54, pawang mga residente ng Geronimo Extention, Corocan, Barangay Barretto. Ang mga suspects ay dinakip ng pulisya makaraan NA magkakasabwat na nagbenta ng isang plastic sachet ng shabu sa isang police poseur buyer sa halagang P500.

    Nakuha sa pag-iingat ng mga suspects ang anim na plastic sachet ng shabu at marked money. Bago isinagawa ang operation, nakatanggap ng impormasyon ang kapulisan na talamak ang bentahan ng droga sa nasabing lugar.

    Ang mga suspects ay detinido sa Police Station 1 at ipinagharap na sa kasong paglabag sa Article ll ng RA 9165.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here