38 iligal mangingisda huli

    520
    0
    SHARE
    LUNGSOD NG MALOLOS — Arestado ang 38 na mangingisda matapos maaktuhan na ilegal na nangingisda sa karagatan na sakop ng Barangay Pamarawan dito.

    Sa pagpapatrulya ng Malolos PNP at Bantay Dagat ay naaktuhan ang mga mangingisda na gumagamit ng buli- buli na nagmula pa sa Navotas at dumayo ng pangingisda na sakop ng Malolos.

    Ang mga mangingisda ay kinasuhan ng paglabag sa RA 10654 o Anti-Illegal Fishing Law kung saan ay nahulihan ang mga ito na gumagamit ng mga pinong lambat na ginagamitan ng makina kayat nahuhuli ng mga ito maging ang mga maliliit na isda at maging ang semilya nito.

    Lulan ang mga mangingisda ng dalawang malalaking bangka at isang maliit na bangka na nang maaresto ay nakumpiska sa kanila ang 109 piraso ng banyera at ibatibang uri ng mga isda.

    Ang buli-buli ay ilegal na paraan ng pangingisda kung saan papalibutan ng mga bangka ang isang bahagi ng dagat at kikidkirin ng pinong lambat kayat nahuhuli nito ang lahat ng sukat ng isda.

    Nasa kustodiya na ng Malolos PNP ang mga naarestong 38 kalalakihan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here