Home Headlines 34 aktibong kaso ng Covid–19 sa Bataan

34 aktibong kaso ng Covid–19 sa Bataan

431
0
SHARE

LUNGSOD NG BALANGA — Nagtala ang Bataan ng 34 na aktibong kaso ng coronavirus disease nitong Linggo batay sa huling ulat ng provincial health office nitong Lunes.

Sa 11 bayan at isang lungsod, tanging ang bayan ng Samal lamang ang may zero na kaso.

Ang mga aktibong kaso ay matatagpuan sa Abucay – 1, Dinalupihan – 1, Hermosa – 5, Morong – 4, Orani – 3, Balanga City – 3, Bagac – 2, Limay – 5, Pilar – 3, Mariveles – 6, at Orion – 1.

Sa kasalukuyan, 37,905 na ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa Covid–19 matapos magkaroon ng apat na bagong kumpirmadong kaso na ang tatlo ay sa Hermosa at isa sa Limay.

Dalawa naman ang bagong nakarekober kaya umabot na sa 36,473 ang lahat ng gumaling na.

Walang naitalang bagong pumanaw kaya nananatili sa 1,398 ang mga nasasawi sa virus.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here