Home Headlines 21 MENOR DE EDAD 26 kababaihan nasagip sa prostitusyon

21 MENOR DE EDAD
26 kababaihan nasagip sa prostitusyon

545
0
SHARE

LUNGSOD NG MABALACAT — Nasagip sa prostitusyon ng Women and Children Protection Center – Luzon Field Unit (WCPC-LFU) ng Camp Crame ang 26 na kababaihan kabilang ang 21 menor de edad matapos salakayin ang isang hotel at isang resort sa Barangay Mabiga dito nitong Lunes ng gabi.

Pawang nasa edad 14 hanggang 20 ang mga kababaihan na nasagip mula sa kamay ng mga suspek na sina Marites Liwag, 49, ng Barangay Balibago, Angeles City, at Alyana Fernandez, 20, ng Mabalacat City.

Ayon sa ulat, pawang sa mga foreigners ibinubugaw nina Liwag at Fernandez ang mga biktima habang sa mga resort at hotel nila ito dinadala.

Emosyonal naman ang mga nasagip na kabataan at hindi daw nila akalain na masasangkot sila sa prostitusyon sa akalang maliligo lamang sila sa resort.

Ayon kay PLt. Anavy Acosta, ng WCPC-LFU, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa operasyon ng mga suspek kayat agad na isinagawa ang pagsalakay.

Sa halagang P1,500 hanggang P5,000 ang kalakaran ng mga arestadong suspek na pawang mga aminado naman sa ginawang krimen.

Dinala sa Camp Crame ang mga nasagip ng kabataan para sa proper disposition habang ang dalawang bugaw ay sasampahan ng kasong pang-bubugaw at paglabag sa human trafficking.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here