Home Headlines Zambales: 4 Khonghun, 3 Ebdane panalo; 3 Deloso, 2 Magsaysay talo 

Zambales: 4 Khonghun, 3 Ebdane panalo; 3 Deloso, 2 Magsaysay talo 

604
0
SHARE

IBA, Zambales – Nagtagumpay ang apat na kandidato ng pamilya Khonghun at tatlo naman mula sa pamilya Ebdane sa ibat-ibang posisyon, samantalang natalo naman ang tatlo mula sa pamilya Deloso at dalawa sa Magsaysay sa nakalipas na halalan.

Ito ang nangyaring kaganapan sa mga labanan ng mga pamilyang pulitiko sa lalawigan.

Nanalo sa pagka kongresista sa unang distrito ng Zambales si dating Vice Governor Jefferson “Jay” Khonghun at sa pagka-alkalde naman ng Castillejos si dating Congressman Jeffrey Khonghun.

Nananatili namang alkalde ng Subic si re-electionist Mayor Jonathan “Jon” Khonghun. Ang baguhang sumabak sa politika na si Jaq Khonghun ang siyang nanalong vice governor ng Zambales.

Nahalal na muli si incumbent Gov. Hermogenes Ebdane, Jr.

Ang dating Iba town Mayor Rundy Ebdane ay nanalo naman bilang board member sa ikalawang distrito ng Zambales. Si Omar Ebdane naman ang nanalong mayor ng Botolan.

Kabaligtaran naman ang kapalarang sinapit ng dalawang sikat na pamilya ng mga pulitiko sa lalawigan.

Talo ang tatlo sa angkan ng Deloso: dating Congresswoman Cheryl Montalla Deloso ng ikalawang distrito ng Zambales na tumakbo sa pagka-gubernador, ang ama na si dating Governor Amor Deloso na tumakbo sa pagka kongresista ng ikalawang distrito, at Iba town Mayor Ad Hebert Deloso na muling tumakbo sa pagka mayor.

Nabigong makuhang muli ni dating Congresswoman Mitos Magsaysay ang unang distrito ng Zambales. Natalo naman si dating Vice Governor Angel Magsaysay sa pagka-mayor ng Castillejos.

 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here