Willie Revillame sobrang ligaya nang magdaos ng birthday

    237
    0
    SHARE
    Maraming dumalo sa birthday party ni Willie Revillame sa Shangri-La Makati nu’ng Sabado ng gabi.

    Two days wala si Willie sa Willing Willie dahil nagkasakit pero kahit hindi pa maganda ang pakiramdam, umapir siya sa surprise party sa kanya ng staff ng Wil Productions, sa tulong ni Boss Vic del Rosario.

    Sa naturang party, napatunayang hindi nga “in good terms” ang magkaibigang John Estrada at Willie.

    Si Rico J. Puno mismo ang nagbuko nito nang sabihin ng singer na maging siya ay inaway ni Willie nu’ng mag-guest ito sa Willing Willie.        

    “Mahilig kang mang-away. Inaway mo si John. Ako inaway mo rin, ’di ba? Pero dahil sa pang-aaway mo sa akin, tumaas ang rating ng Willing Willie,” biro ni Rico  kay Willie.

    Hirit pa ni Rico, sa kanya na mapupunta ang show na “niluluto” ni Willie para sana kay John.
    Present din sa party ng golden boy ang first wife niyang si Princess Punzalan, na ang wish sa ex-husband ay “love of his life.”

    Personal ding ipinakilala ni Willie ang co-host niyang si Councilor Shalani Soledad kay Princess.

    Naging emotional si Willie nang magbigay ng mensahe. Say ng TV host, mahal na mahal niya ang president ng ABS-CBN na si Ms. Charo Santos. Sa sigalot ngayon nila ng Kapamilya Network, pakiusap ni Willie sa mga abogadong humahawak ng kaso — huwag daw sasaktan si Ms. Charo Santos.

    Hindi rin mapigilin ni Willie na maiyak sa mensahe niya sa presidente ng TV5 na si Manny V. Pangilinan (MVP). Say naman ni MVP, destiny daw ang pagkakapunta ni Willie sa TV5.

    Pinatotohanan naman ni Willie na nu’ng nawala siya sa Dos, nagkausap sila ng GMA7 boss na si Atty. Gozon.

    Ang iba pang celebrities na aming namataan sa party ni Willie ay sina Ruffa Mae Quinto, Sam Pinto, Isabel Oli, Pops Fernandez, Sen. Bong Revilla, Sen. Manny Villar at anak niyang congressman sa Las Piñas, Annabelle Rama, Eddie Gutierrez, Ruffa Gutierrez, Kuh Ledesma, Daisy Romualdez, Gary Valenciano, Gabby Concepcion, Dingdong Avanzado, Jessa Zaragoza, Raymond Lauchengco, Gino Padilla, Richard Merck, Mark Bautista, Paulo Bediones at maraming iba pa.

    Hindi na namin mabanggit ang ibang nagsidalo dahil sobrang dami talaga ng bumati kay Willie.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here