‘Walang hired killings industry sa Bulacan’

    543
    0
    SHARE
    MALOLOS CITY—Walang hired killing industry sa Bulacan, sa halip ay mas tahimik ito sa mga katabing lalawigan.

    Ito ang buod ng magkahiwalay na pahayag ng dalawang board members sa Bulacan bilang tugon sa naunang pahayag ni dating Gob. Roberto Pagdanganan hinggil pagiging cottage industry ng hired killings sa lalawigan.

    Ayon kay Board Member Christian Natividad, iba-iba ang motibo sa  mga nabanggit na insidente ng pamamaslang sa lalawigan at kailangang patunayan.

    “These are crimes against persons driven by different unproven motives.  It’s easy to speculate.  We need proof.  Iba-iba ang sitwasyon noong krimen,” ani Natividad.

    Sinabi niya na ang mga sunod-sunod na pamamaslang sa Bulacan ay resulta ng lumalalang sitwasyon sa katahimikan at kaayusan, at hindi daw iyon katunayan na mayroong industriya ng hired killing sa lalawigan.

    “That’s proof of peace and order degradation, but not the claimed hired killing industry.  Hired killing is different from dead bodies shown on CLTV last night,” ani Natividad.

    Iginiit pa ni Natividad na “we need proof of the alleged hired killing industry.”

    Sinabi pa niya na kailangang palakasin ang pagtutulungan ng mga ahensya ng gobyerno kasama ang pribadong sector upang mapigil ang insidenete ng pamamaslang sa Bulacan.

    Para naman kay Board Member Patrocinio Laderas, mas tahimik ang Bulacan kumpara sa mga katabing lalawigan.

    Ayon kay Laderas, “Bulacan is more peaceful compared to other neighboring provinces some 15 years back and until today.”

    Sinabi naman ni Gob. Joselito Mendoza na: “I assure you that the provincial government is doing its best to assist the local police in its efforts against all forms of crime and in maintaining peace and order.”

    Iginiit pa ng gobernador na: “The least that Bulakenyos expect from a former governor is to make careless and baseless accusations.  He should know better than to make such rash conclusions.  No leader wants such kind of environment and culture to exist.”

    Matatandaan na kinondena ni dating Gob. Roberto Pagdanganan ang lumalalang insidente ng pamamaslang sa lalawigan matapos siyang magbabala na nagiging isang cottage industry ang hired killing sa Bulacan.

    It’s a very sad thing, criminality seems to be the order of the day with hired killings is the fastest cottage industry in Bulacan,” ani Pagdanganan.

    Ilan sa mga binanggit niyang insidente ng hired killing sa lalawigan na hindi nareresolba ay ang pamamaslang sa kanyang kapatid na si ex-Calumpit  Mayor Ramon Pagdanganan noong Mayo 4; at kina Inhinyero Constantino Pascual ng Rosemoor Mining and Development Corporation noong Hunyo 8; ex-Apalit Mayor Tirso Lacanilao na pinaslang sa bayang ito noong Hulyo 31;  Konsehal  Fidel Nacion ng San Rafael at masaker sa pamilya ni Teofilo Mojica ng San Jose Del Monte City noong Setyembre 9 at 12 ayon sa pagkakasunod.

    Ayon kay Pagdanganan, ang mga nasabing insidente ay maibibilang sa “culture of impunity” sa lalawigan dahil walang naparusahan.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here