‘Vendetta politics’ nga kaya kung bakit?

    418
    0
    SHARE
    Kung kapartido ni Pangulong Arroyo
    Sina Grace Padaca, Mendoza’t Panlilio,
    Palagay n’yo kaya hahayan nito
    Na kung kailan patapos na ang termino

    Ng tatlong naturang mga gobernador,
    Saka inihayag ng Second Division
    Ng Comelec ang pinal nitong desisyon,
    Na pare-parehong sa kalaban pabor?

    Di ko sinasabing may kinikilingan
    Ang Pangulo hinggil sa isyung naturan,
    Pero ano’t itong kaso sa Sasmuan
    Ng isa manok niya ay bale wala lang?

    Gayong si Velasco na kapartido niya,
    “Year 2007” pa lang lumabas na
    Ang desisyon nitong Comelec, pati na
    Ang pinal na utos ng Korte Suprema;

    Na lumabas noong taong 2008,
    Kasunod ng “enc banc’s order” ng Comelec;
    Of which based on record is clearly stated,
    That his candidacy has no lawful effect.

    For the simple reason that the sitting mayor
    Is not qualified to seek any election,
    As he, at the outset, found not eligible
    For lack of residence, based on Comelec rule.
     
    So, even if he won the mayoralty race
    Against Mozart, (the only other candidate)
    Velasco’s any official functions to date  
    Were unlawful and/or of no legal effect? 

    Pagkat imbes si Panlaqui ang panalo
    Bilang solo’t bukod tanging kandidato,
    Ay itong ni hindi “qualified” tumakbo
    Ang siyang pinalad na maupo sa puesto.

    At siya pa itong lumitaw na bida
    Sa puntong animo’y di yata makaya 
    Ng DILG itong pababain siya
    Upang bigyan daang maupo ang isa.

    Nang naa-ayon sa utos ng Hukuman,
    At ng Commission on Election din naman;
    Pagkat magpa-hanggang sa kasalukuyan
    Ay di magalaw ng alin man yata riyan?

    Aba’y kung di po ba talagang malakas
    Itong si Velasco sa nakatataas,
    Korte Suprema na ang huling naglabas
    Ng desisyon di pa rin mabaklas-baklas?

    At ang DILG na dapat kumilos
    Upang gampanan n’yan ang nasabing utos,
    Ay wala rin namang malinaw na sagot
    Kung bakit ang lahat ay hindi nasunod;

    Gayong sila itong marapat umaksyon
    Upang atasan ang nakaupo roon,
    Na ibakante ang “Office of the Mayor”
    Para sa kung sino mang “lawful successor”

    Kaya sa puntong yan, posibleng ang tatlo
    Na sina Padaca, Mendoza’t Panlilio
    Ay di nga malayong biktima siguro
    Ng kung anong bagay ng di kapartido;

    Sapagkat ang tatlo ay pawang Liberal,
    Na di ka-alyado ni Mam Macapagal;
    Kung kaya kahit na di kalabang mortal,
    Siniguro nilang di maging sagabal?

    Pero kung ya’y Lakas-Kampi-NUCD,
    Na kagaya nitong Alkaldeng nasabi,
    Palagay n’yo kaya yan ay mangyayari
    Kina Grace, Jonjon at kay Among Ed pati?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here