Mga bobong traffic enforcer, dapat sumailalim sa seminar

    438
    0
    SHARE
    Panahon na para isailalim sa seminar ang mga itinalagang TRAFFIC ENFORCER  sa lansangan ni Mayor Jeffrey Khonghun na siyang dahlian sa madalas na pagkakabuhol-buhol ng trapiko sa bayan ng Subic, Zambales.

    Mantakin ninyo, isa hanggang tatlo ang nagtatrapik sa iisang lugar, lalo naman nagkakandabuhol-buhol ang trapiko dahilan sa hindi nagkakaisa ang kanilang senyas, may GO, may STOP, yan ang dahilan kaya nalilito ang mga tsuper.

    Paano naman kasi kung saan lamang pinulot ang mga TRAFFIC ENFORCER na ito, palibhasa malapit at kay MAYOR at may tinatanaw na utang na loob aba, pinag-uniporme at nagta-traffic na sa lansangan ng wala sa ayos.

    Mga BOBO nga hindi alam ang pinatutupad na BATAS TRAPIKO, mantakin ninyo may gustong mangumpiska pa ng DRIVERS LICENSE.

    WOW! Naman tsiong, mga bigatin kayo, daig pa ninyo ang awtorisadong pulis na sa tingin ninyo may “POLICE POWER “ kayo.

    Para sa mga motorist, lagi ninyong tatandaan walang sinuman ang maaring kumumpiska ng inyong DRIVER LICENSE kung hindi ito DEPUTIZED NG LTO na binigyan ng karapatan para manita at manghuli sa mga barumbadong driver sa lansangan.

    Paano nga naman hindi nagkaka-trapik, sa tapat ng PEDESTRIAN LANE at kanto ng kalsada may inilagay na TERMINAL NG JEEP, paano nga naman hindi magkaka-trapik.

    Mayroon pa nga diyan, nagta-trapik na , “CALLER” pa ng pasahero ng dyip, ganyan kagagaling yung inilagay na TRAFFIC ENFORCER ni Mayor Jeffrey Khonghun.

    Batay sa obserbasyon ng CASTIGADOR , nitong mga nagdaan taon maayos ang daloy ng trapiko sa bayan ng SUBIC, ZAMBALES, kaya nga lang malungkot sabihin na mula ng maglagay ng mga TRAFFIC ENFORCER si MAYOR, ito na po, simula na ang buhol-buhol na trapik.

    Sana naman mabigyan ito ng agarang solusyon para huwag mabagot sa trapiko ang mga dumarayong TURISTA sa lalawigan ng Zambales.


    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here