Home Opinion ‘United we stand, divided we fall’

‘United we stand, divided we fall’

590
0
SHARE

KUNG sa loob ng mahigit dalawang taon
na pakikidigma ni Pangulong Digong
laban sa iligal na droga at bisyong
kalat na sa lahat ng dako sa ngayon.

At sa kabila ng araw-araw halos
may napapatay r’yang sa droga ay sabog,
na nanlaban daw at unang nagpaputok
kung kaya binaril na ayon sa report.

Pero paniwala nitong kapamilya
ng hinihinalang tulak nitong droga,
pagbungad pa lang ay niratrat na nila,
manlaban at hindi, ay kaduda-duda.

Kaya ang ‘Commission on Human Rights’ naman
ang sigaw kaagad ay paglapastangan
sa pagka-tao at karapatang legal
ng mga biktima raw ng karahasan.

Sa panig naman ng ating otoridad
na nagpapa-iral sa Saligang Batas,
‘yan ay akusasyong di katanggap-tanggap
laban sa hustisya’t wastong pamalakad.

Kaya suma-total ano pa ang gawing
pagtutok ng mga kapulisan natin,
nitong PDEA at ng NBi na rin,
lahat ng bawal ay mahirap sugpuin.

Kung ganyang animo ay kinukunsinte
ng CHR ang ganitong pangyayari,
na ang kaagad na laging sinsisisi
ay ang Malakanyang o si Presidente.

Saan na hahantong ang banal na nasa
ni Duterte upang itong Inangbansa
ay mailayo sa pagkapariwara
ng dahil lamang sa inggit ng kabila?

(O ng di kasangga) partikular na riyan
mitong kung tawagin nila ay ‘Dilawan,’
na anhin lang ay pawang kasiraan
itong kay Pangulo ibinabato n’yan.

Kung kaya naman ang mapagsamantala
na walang hangarin kundi magpasasa
sa likod ng grabeng problema ng bansa,
‘yan sa nangyayari tiyak tuwang-tuwa.

At anhin na lamang din nila marahil
ang mga pagkilos ng ating butihing
Pangulo laban sa masamang gawain
ng iba di nito magawang kontrolin.

Nang sa gayon hanggang sa ganap matapos
ang ‘terms of office’ niya ay di pa rin lubos
ligtas itong bansa sa bawal na gamot,
sa kamay ng mga protektadong ‘drug lords’

At kung ang posibleng makapagbago lang
ay ibang uri ng gobyerno, mainam
subukin ang gaya riyan ng sistemang
‘federal’ na gusto rin ng karamihan.

Pagkat kung ganyan lang din ng mentalidad
mayrun itong ngayon magkaibang pangkat
(na mga ‘anti’ at ng kay Digong tapat),
saan na patungo itong Pilipinas?

Magkaisa tayo sa isang layunin
at iisang landas na dapat tahakin
upang sa gayon ang dakilang mitihin
para sa ‘ting bansa pihong mararating!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here