Tupok sa apoy

    328
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY – Tinupok ng apoy ang isang dalawang palapag na bahay habang nasa kasagsagan ang pagsalubong  sa 2015 sa Barangay  Sta Rita sa lungsod na ito. 

    Nagsimula ang sunog dakong alas 12:15 ng madaling  araw na tumagal ng mahigit  ng isang oras bago tuluyang naapula ang apoy ng mga pamatay  sunog ng Olongapo City  at SBMA Fire Department.

    Ayon sa mga ilang testigo  isang bata umano ang naglalaro  ng kandila bago naganap ang sunog. 

    Hindi inaalis ng mga imbestigador ng pamatay sunog  na posible umanong kuwitis  ang pinagmulan ng  nasabing  sunog matapos na makapal na usok ang nakita sa likurang  bahagi ng bahay kasunod ng  malaking apoy.

    Wala namang naitalang nasaktan  at nasugatan sa nasabing  sunog habang inaalam pa ang halaga ng pinsalang  dulot  nito.  Ito ang kauna-unahang sunog  sa pagpasok ng taon 2015 dito sa lungsod. 

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here