Trabaho lamang, walang personalan

    721
    0
    SHARE

    ANG PAGKA-ARESTO sa Floridablanca
    Ng otoridad sa mga nagpanggap na
    Mediamen para lang kumita ng pera
    Sa paraang nakasanayan na nila

    Kung saan ang mga opisyal ng bayan
    Itong madalas na nabibiktima n’yan
    Sa pamamagitan ng ‘feature article,’
    Ads, pagbati at anunsyong-pambayan

    Accomplishment reports at iba pang ulat
    Na karaniwan nang ito ay sa ‘print ads’
    Idinadaan yan upang maihayag
    In public ang dapat mabatid ng lahat

    Diyan kahit papano medyo kumikita
    Ang ibang kasapi talaga sa Media
    Sapagkat may legal na komisyon sila
    Sa anumang ads na makakalap nila

    Para mailathala sa kung anong dyario
    O media outfi t yan sadyang konektado;
    Na siyang ginagaya sa naturang punto
    Ng mga bogus na reporter na ito.

    Na kadalasan ay di nalalathala
    Sa kadahilanang yan ay di naman nga
    Tunay na mediamen at sila ay wala
    Din namang dyario r’yan na maglalathala.

    Dahilan na rin sa sila’y di talagang
    Mga peryodista at konektado yan
    Sa kahit na alin pa mang pahayagan
    Na ang sirkulasyon nito ay regular

    Kundi ang kanila ay para kumita
    Sa ganyang paraan at itong tunay na
    Mediamen ang siyang sa tingin ng iba
    Nating lingkod-bayan itong mukhang pera?

    Gaya halimbawa ng napabalitang
    Sinabi umano ng isang Bokal diyan
    Sa isang Alkaldeng kahahalal pa lang,
    Ang aniya’y salitang nanghihingi lang yan?

    Nang ito’y pasyalan sa tahanan niya
    Ng ilang kasapi sa Media talaga,
    Kung saan nang sila ay papaalis na
    At magpaalam ay narinig ng isa?

    Ang pabulong nitong sinabi kay Mayor
    Na umano nga ay nanghihingi lang ‘yon;
    Natural lamang na magdaramdam itong
    Kung sinu-sino riyang mga pumaroon

    Kay Sir na nagbitiw ng ganyang salita
    Na tunay naman ding may kirot ika nga;
    At maituturing na sampal sa mukha
    Ng lahat ang ganyang klaseng upasala!

    Sir, matanong kita – gaya sa personal
    Na pagkakilala mo sa katauhan
    Ni ‘yours truly’ bilang isa ring Mediaman,
    Ikaw ba naman ay akin nang hiningan?

    Ng ni singkong duling o kusa mo akong
    Inabutan man lang nang purihin noon
    Ng ‘writer’ na ito sa isa niyang ‘column’
    ang iyong pagiging ‘active’ sa Capitol?

    O kaya mo lamang nasabi ang ganyan
    Ay dahil sa iyong pagkakilala riyan
    Sa hanay ng Media sa ‘ting lalawigan
    Ay kahalintulad lang nitong naturan?

    Na ang I.D. nilang sa leeg nagsabit,
    Kung saan katagang“PRESS” ang nakatitik
    Ay walang pangimi nilang nagagamit
    Para kumita sa di kanaisnais?

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here