Torn between two lovers

    314
    0
    SHARE
    Torn between Marlo Mortel at Elmo Magalona si Janella Salvador ngayon.

    Ito ang pinoproblema ng mga tagahanga nina Janella at Marlo nang ikontrata ng ABS si Elmo Magalona para makatambal ni Janella sa teleseryeng “Born to Love.”

    Posible raw kasing may mabuong Janelmo (Janella-Elmo) agad-agad sa sandaling mag-taping ang nabanggit na teleserye. Sa umpisa pa lang, pinag-uusapan na ang chemistry nina Janella at Elmo dahil hindi sila basta-basta isasalang ng Kapamilya network kung wala silang nakikitang pag-asang mag-hit ang tambalan nila.

    Pareho ring galing sa pamilya ng mga singer sina Janella (mom niya si Janine Desiderio ng ‘Miss Saigon’) at Elmo (dad niya si Francis Magalona, SLN) at napatunayan na ito sa ilang recordings nila na most-requested ngayon sa mga radio station.

    Hindi rin nalalayo ang edad nila. May mga sarili silang solid fans na sumusuporta sa kanila kahit wala silang ka-love team.

    Pero, naghahanda rin ang Janella-Marlo fans dahil nalalapit na ang Metro Manila Film Festival kung saan magkasama sina Janella at Marlo sa pelikulang ‘Haunted Mansion’ ng Regal Entertainment. Hindi nila sineseryoso kahit ka-love triangle nina Janella at Marlo si Jerome Ponce dahil may Jane Oineza ito sa tunay na buhay.

    Ayon sa kanilang mga tagahanga, hindi basta-basta matitibag ang Janella-Marlo loveteam dahil may pinagsamahan na sila at close ang mom ni Janella sa mom ni Marlo.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here