Tindero ng mani, timbog sa rape

    97
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY–-Bumagsak sa kamay ng mga tauhan ng Zambales Criminal Investigation and Detection Team (ZCIDT) ang isang nagtitinda ng mani na may kasong two counts of rape sa pinaigting na kampanya ng pulisya na “Oplan Pagtugis” laban sa mga wanted person sa Zambales at lungsod na ito.

    Kinilala ni ZCIDT provincial officer Chief Inspector Ferdinand Aguilar ang suspek na si Rommel Operania, 37, residente ng No. 232 Manggahan St., Purok 1, Barangay Sta Rita, Olongapo City.

    Ang suspek ay dinakip ng team na pinamunuan ni SPO4 Maximo Ramos sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jose Bautista, Jr., ng RTC, Branch 73 sa kasong two counts of rape sa ilalim ng RA 8353 ng walang kaukulang piyansa.

    Ayon sa ulat, ang suspek ay inireklamo ng magulang ng isang 3-anyos na bata na makailan beses nitong pinagsamantalahan. Ang suspek ay detinido na sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here