Dorm sunog, 1 patay

    89
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY—- Isa ang patay nang masunog ang limang palapag na dormitory sa kahabaan ng Magsasysay Drive sa lungsod na ito kamakalawa ng hapon.

    Ang sunog ay nagsimula sa ika-limang palapag ng MCS Dormitory at mabilis kumalat ang apoy sa ground floor ng gusali kung saan tinupok ng apoy ang drug store, pawnshop at travel agency doon.

    Nauna nang iniulat na isa sa mga umuupa sa dormitory na si Kevin Bactad, 22, ng Barangay Luna, San Antonio, Zambales ay nawawala nang maganap ang sunog. Kinabukasan, sa isinagawang clearing operation ng mga pamatay sunog natagpuan ang isang bangkay na tupok na ng apoy ang katawan sa hagdanan ng gusali.

    Inaalam pa ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) kung ang bangakay na natagpuan ay ang nawawalang si Bactad at kanila itong ikukumpara ang kanyang denture para matukoy ang biktima.

    Nabatid na ang sunog ay nagmula sa naiwang nakasaksak na charger sa Room 7 ng nasabing gusali. Tinatayang aabot naman sa P1.5 milyon ang halaga ng mga kagamitan na tinupok ng apoy

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here