Tindahan ng mga piniratang CD, DVD sinalakay

    3953
    0
    SHARE

    OLONGAPO CITY—Sinalakay ng mga tauhan ng Optical Media Board (OMB) at pulisya ang tindahan ng mga piniratang DVDs at CDs sa kahabaan ng Magsaysay Drive sa lungsod na ito.

    Ang pagsalakay ay isinagawa sa Green Hills Lane Mall, kung saan may 563 na mga piniratang mga movies na DVDs at CDs at 39 na pornographic movies ang kinumpiska ng mga awtoridad.

    Nauna nang sinalakay noong nakaraang buwan nina OMB Chairman Ronnie Rickets at ng Olongapo City PNP ang nasabing mall at libong mga piniratang DVDs at CDs ang nakumpiska.

    Ang mga nagmamay-ari ng paninda ay nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9239 ng Optical Media Act of 2003.

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here