OLONGAPO CITY—Dead on arrival sa pagamutan ang isang lalaki nang ang kanyang sinasakyang motorsiklo ay bumangga sa isang armored van sa kahabaan ng zig-zag road Barangay Kalaklan sa lungsod na ito.
Kinilala ng pulisya ang biktimang si Albet Tuazon, 28, residente ng No. 75 Jones St., Barangay Kababae.
Sa imbestigasyon ng Traffic Management Office patungo ng Olongapo ang biktima nang makabangga nito ang armored van na may plakang XNR-393 na minamaneho ni Melmar Alquesa, 34, ng Barangay Sta Rita.
Dahil sa lakas ng pagkakabangga nahulog ang biktima nahulog sa sinasakyang motorsiklo na nasagasaan pa ng paparating na isang jeepney na may plakang RFW-684 na minamaneho ni Reynaldo Delos Reyes ng Barangay West Bajac-Bajac.
Ang biktima ay mabilis na isinugod sa James Gordon Memorial Hospital, subalit kaagad itong binawian ng buhay bago ito idating sa nasabing pagamutan, ayon kay Dr. Cedric Cruz.