“The most active in public service”

    254
    0
    SHARE
    NITONG nakaraang Lunes, na kung saan
    si ‘yours truly’ ay nagsadya ng personal
    sa Capitol hinggil sa isang opisyal
    na resolusyon ng Mediamen kay ‘Nanay’

    O kay Gobernador Lilia G. Pineda,
    na ‘Nanay Baby’ rin kung tawagin siya
    ng nakararami dito sa Pampanga,
    kahit kasing edad lang o matanda na.

    Sanhi ng ang turing ni ‘Nanay’ sa lahat
    ay walang iniwan sa tunay na anak,
    kung kaya sa lahat din naman ng oras
    ay maasahan siya ng kanyang ‘kaanak’.

    At nang dahil na rin sa puntong naturan,
    na malingap siya sa nasasakupan,
    ayaw na ayaw niyang napapabayaan
    ang ika nga’y higit na nangangailangan.

    Partikular na r’yan ang mga maysakit,
    kung saan personal nga nating narinig
    kay ‘Nanay’ nito lang nakaraang Lunes
    Ang ‘pagsabon’ sa ‘ting ilang ‘heads of office’

    Sa kung anong hindi agad naisagawa
    ng D.O.H. sa isang naka-assign yata,
    na asikasuhin pero tumagal nga
    dala ng aywan kung ya’y lubhang pabaya.

    At nasabi tuloy ng ating butihing
    Governor sa isang ‘Emergency Meeting’
    na ginanap sa Executive House building,
    (At tyempong ang ilang Media naroon din).

    Itong siya na raw ang kikilos kumbaga
    para mapabilis ang proseso aniya
    sa mga papeles at ibang bagay pa
    na magagawa ng kanyang opisina.

    Ganyan kaseryoso ang ating butihing
    si ‘Nanay’ sa opisyal niyang gawain,
    kaya pati ang DPWH din
    sa isyu ng baha napilit sagutin

    Ang tanong kung bakit sa kabila nitong
    halos walang hintong on going construction
    ng mga drainages, ang baha patuloy
    na nananalasa magpahanggang ngayon

    Sa sakop ng lungsod nitong San Fernando,
    partikular d’yan sa city proper mismo,
    sa may intersection at sa Kapitolyo,
    liban sa may St. Jude at karatig nito.

    Di ko na gaano pang natatandaan
    ang paliwanag ng tinanong ni ‘Nanay,’
    dahil nangapa rin sa aking palagay
    sa kung anong dapat nitong ikatuwiran.

    Nang sina Engr. Castro at si Mayor
    EdSa ang nahingan nila ng opinyon,
    Dredging at pagawa ng ‘water reservoir’
    ang posible at epektibong solusyon.

    At pagtanggal pati sa nakaharang na
    water lily sa ilog, sapa’t iba pa’ng
    daanan ng tubig-baha patungo sa
    Pau, Sto. Tomas ang suhestyon nila.

    Hindi man sa puntong yan ganap na nagtapos
    ang pangkagipitang pulong na dinaos
    (sa Capitol, sa pangunguna ni Gob)
    nagkaisa ang Capitol at ang Lungsod

    Nitong San Fernando sa magkatuwang na
    pagresolba n’yan sa nasabing problema;
    At kung saan lahat ay handang-handa na
    para sa lubos at ganap na suporta!

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here