Home Headlines Tarlakenyo fish farmers sumasailalim sa pagsasanay ng BFAR

Tarlakenyo fish farmers sumasailalim sa pagsasanay ng BFAR

598
0
SHARE

LUNGSOD NG TARLAC (PIA) — Sumasailalim sa pagsasanay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang may 40 fish farmers sa lalawigan ng Tarlac.

Gaganapin mula Abril hanggang Agosto ang pagsasanay sa teknolohiya na maaaring makatulong sa pagpapalakas ng industriya.

Sinabi ni BFAR Regional Director Wilfredo Cruz na sa pamamagitan ng Fish Farmers Field School ay maituturo sa mga mangingisda ang pinakabagong teknolohiya na magpapaunlad sa kanilang operasyon at kabuhayan bilang mga magsasaka ng isda.

May 40 fish farmers sa lalawigan ng Tarlac ang sumasailalim sa pagsasanay ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ukol sa makabagong teknolohiya sa freshwater polyculture technology. (BFAR Central Luzon)

Dagdag pa niya, hangarin nitong ituro ang mga pamamaraan ng pag-aalaga ng ulang at tilapia na magkasama sa isang palaisdaan.

Kabilang sa mga pinag-aaralan sa aktibidad ang pond preparation at paggawa ng artificial shelter ng ulang.

Sa kasalukuyan, nasa ikatlong linggo na ang Farmers Field School para sa freshwater polyculture technology. (CLJD/GLSB-PIA 3)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here