Tambak ang kadramahan sa Yes 100 Beautiful Stars

    334
    0
    SHARE

    Congratulations sa Yes!, kay Joan Maglipon and her team dahil napagsama-sama sa presscon at announcement nina Julia Montes at Kathryn Bernardo bilang the country’s loveliest sa 7th edition ng 100 Most Beautiful Stars for 2013, ang stars ng ABS-CBN, TV5 at GMA-7.

    Maaga sa event sina Tirso Cruz III at asawang si Lyn Cruz, Ricky Davao, Ryzza Mae Dizon, Glaiza de Castro, Michelle Vito, Bianca King at Rocco Nacino.

    Majority of the stars came in late, natarayan tuloy sila ni Lolit Solis at ginawang example si Ryzza na busy at bata, pero maagang dumating.

    Hindi na nakasama si Ryzza sa presscon na late nag-start dahil late ang mga artista, umuwi na ang bagets.

    Akala namin, pinakahuli nang dumating si Julia Barretto dahil dumating ito after i-introduce sina Julia at Kathryn, pero mas late pa pala si Alden Richards dahil nag-uwian na ang press, padating pa lang ito.

    Masaya ang lahat sa pagkakasama sa list ng most beautiful, pero pinakamasaya sina Julia at Kathryn lalo’t sila ang nasa cover at mas maraming pictures sa loob ng magasin.

    Naaliw kaming obserbahan ang mga artistang nasa stage. Nag-dedmahan kasi ang mag-ex na sina Dennis Trillo at Bianca King.

    Nakaupo na si Bianca nang dumating sina Dennis at Tom Rodriguez. Hindi sila nagtinginan man lang at lalong hindi nagbatian.

    Ang sabi ni Dennis, wala na siyang chance mambati dahil late sila.

    Naunang umalis si Bianca na binirong nag-walkout pero itinanggi nito. Nakita siya ni Dennis hanggang lumabas sa pintuan ng function room ng Crowne Plaza.

    Dedmahan din sina Jake Cuenca at Lovi Poe at nalaman naming hindi pa sila nagkabati mula sa pictorial ng Lihis, two months ago pa yata ’yun.

    Hindi man lang nagtinginan ang dalawa hanggang matapos ang event. Si Jessy Mendiola pa nga ang binanggit ni Jake na pinakamaganda for him.

    Sayang at hindi dumating si Marian Rivera, nagkita sana sila ng ex-manager niyang si Popoy Caritativo na kasama nina Dennis at Tom.

    Nasa event din si Martin Escudero, former talent ni Popoy, pero hindi siya nakita ni Popoy.

    We’re sure si Martin, nakita ang dating manager.
     

    LEAVE A REPLY

    Please enter your comment!
    Please enter your name here